haay ang bilis ng panahon..parang kailan lang ah...one year na ang nakalipas... marami nang 'what could have been' moments... pero it opened a lot of doors and windows and even trap doors.....trap doors...trap....but lucky me, i managed to get out. well that's another story.
napaisip lang ako. simula kahapon. wala lang.
nakangiting binabalikan ang nakaraan. kahit masakit, kahit masaklap, kahit 'sana ganito, sana ganiyan..', kahit parang sinuyod mo ang mga bundok, kagubatan at karagatan para sa taong un, para sa inyong dalawa..masaya pa rin ako sa pinatunguhan ng lahat. binabalikan ko ang mga alaalang ito hindi para saktan ang sarili, hindi para makaramdam ng emotional pain o ng lungkot. para sa akin mas matimbang ang mga masasayang alaala dahil kahit na gaanong kasakit ang nakaraan, itong mga masasayang alaalang ito ang makakapaglagay ng matatamis at kakilig-kilig na ngiti sa aking mga labi. hindi ko itinatanggi at itatanggi. uuy, 'wag mag-deny. hay, grahbeh na talga 'to.
siguro sasabihin mo, ng ibang tao: shit mahn, alalahanin ba ang past? suicidal ka? o sadyang masokista ka lang tlga? tsss..
tsong masayang bumalik sa nakaraan, kahit sa isipan lang...butinga un, alam ko sa sarili ko na alalang-alala ko ang mga nangyari dahil alam kong naging sobrang saya ako nung mga panahong iyon. sabi ko nga sa kaibigan ko, ang swerte ko't naranasan ko ung level of happiness na inaasam-asam ng marami. shet noh? imagine me saying that while breaking down...real hard. those were the days........were the days.
sa mga nangyayari sa mga nakalipas na araw...hindi lang pala ang tsismis, o si Darna, at Super Inggo ang lumilipad.....hindi ko namalayan.......
ang bilis lumipas ng panahon. lahat bahagi na ng nakaraan. ang bilis. hindi na maibabalik. ang pwede na lang gawin ay magbaliktanaw at magpasalamat na nangyari ang lahat, masaya man o malungkot, dahil sa totoo lang...ang daming aral ang napulot, na-realize na pagkakamali at pagkukulang, pero higit sa lahat ang naiambag sa pagkakatatag ng damdamin at sarili.
ngayon ko masasabi na talagang masaya ako maski dumaan ako sa oras ng lungkot. oo, minsan hindi ganun kaganda alalahanin ang nakaraan pero mehn, kung iisipin mo nga naman, happiness is happiness. make the most out of it diba. ang mga oras ng lungkot ay hanggang dun nalang. sabi nga ng isang psychologist (na hindi ko alam ang pangalan), "emotional pain lasts for 12 minutes. the rest is self-inflicted." ohdbah, masokista nga. may self-inflicted pa na nalalaman. kaya ayan, nasabihan ako ng maliit kong kaibigan kagabi, "Hindi mo ba kaya maging manhid?" sagot ko dyan... ayoko na maulit maging manhid. meron nasasaktan eh. (bitter!) :p kasalanan ko nanaman yan sa huli. tama na. nagpapakabait na nga ngayong college eh. sus.