9:33 PM | Sunday, April 22, 2007
amaaaaazing. umalis ako ng bahay kanina. himala na yun..
let's call this day, "
musta?" day
ung mga di ko inaakala na magpaparamdam.. eh nagparamdam na. parang mga multo na bigla nalang nagpapakita pero di naman nakakatakot. (okay, sorry for the metaphor. slow ako ngayon. it's the time of the night.) nagpaload ako ng P30 kanina (actually pasaload lang. freeloader eh) kasi iniisip ko na di naman ako mashado na matext. kaso sa di inaakalang pangyayari, naging active ang phone ko. nakakagulat kasi sa loob ng isang oras, apat kagad sila na nangamusta. at yung isa ay may kasama pang pasigaw na, "Luanne!" . oo na bingi ako sa text. nakakatuwa kasi nasa magkakaibang lupalop ng mundo (okay, pilipinas lang) sila lahat. magkakalayo sila. di pa magkakilala. az in! malakas lang ba mashado aura ko sa oras na yun at bigla nila ko naisip? waaaaw. touch me!!! hahaha or nagkataon lang na sabay-sabay sila na bored at naisipan mag send ng group text na "musta?". wag naman sana.. okay balik tayo sa load. ubos na. walang natira. pasaload ulit! sa phone naman ni mama. XD
biglaan lang. sa linggo na to... naassociate ko na ang pinakaiiwasang topic ng mga tao sa iba't-ibang bagay. so ano ba ang topic na un? L-O-V-E pare. pag-ibig. haha. akalain mo yun.
naconnect na sha sa mahiwagang laro ng tong-its.
sa pag-compare ng mp3 player sa mixed tape.
sa ulan at sa payong.
sa spaghetti at palabok...
actually imbento nalang ung last. nagugutom na ko eh.
-----------------------------
sabi ng kaibigan ko na hindi ko nakikita pero alam namin na magkaibigan kami,
"Di ka manhid, wrong timing lang."
HA! see that?? at may process pa sha na nalalaman. san ka pa.
----------------------------
next time na ulit magsusulat.. meaning, bukas.
paalam.